Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Xochitl Dixon

Kabutihang-loob

Nagturo si Martha sa isang paaralang pang-elementarya sa loob ng halos tatlumpung taon. Bawat taon, nag-iipon siya ng pera pambili ng mga damit sa mga mag-aaral na nangangailangan. Nang pumanaw siya dahil sa sakit na leukemia, inalala namin ang mabubuti niyang ginawa. Sa halip na magbigay ng mga bulaklak, nagbigay ang mga taong nakiramay ng mga damit sa mga mag-aaral…

Maglingkod Sa Iba

Minsan, nang magbakasyon kami ay nakilala namin si Rogelio. Siya ang nagsilbi at nag-asikaso sa amin habang kami ay nagbabakasyon. Nang makausap namin siya, ikinuwento niya sa amin ang tungkol sa kanyang buhay. Itinuturing niyang biyaya mula sa Dios ang asawa niyang si Kaly. Mabait daw kasi at may matatag na pananampalataya sa Dios. Kahit may anak na sila, nagagawa…

Bukal Sa Puso

Kahit may pisikal na kapansanan, patuloy pa ring tumutulong ang beteranong sundalo na si Christopher sa mga gawaing bahay. Kahit inaabot nang mahabang oras para matapos ang isang gawain, matiyaga si Christopher at nais niyang mapaglingkuran ang kanyang pamilya. Nakikita siya ng mga kapit-bahay nilang matiyagang nagtatabas ng damo bawat linggo.

Isang araw, nakatanggap si Christopher ng isang sulat at…

Bagong Pananaw

Matapos maoperahan ang kaliwang mata ko, sinabi ng doktor na dapat suriin ang paningin ko. Nakakaya kong magbasa kahit may takip ang kanang mata ko. Pero nang takpan na ang kaliwang mata ko, bigla akong napahinto. Hindi ko mabasa ang mga letra. Tila nabulag ako.

Binigyan naman ako ng doktor ng salamin para luminaw ang paningin ko. Bigla kong naihambing…

Sa Iyong Tabi

Minsan, isinugod sa Ospital si Joe, dahil sa labis na kapaguran niya sa kanyang pagtatrabaho. Sobrang dami kasi ng ginagawa ni Joe. Gusto niya pa sana magpatuloy, pero hindi na kinaya ng kanyang katawan. Isang kaibigan naman ang nag-alok ng tulong para gumawa ng isang pagkakawanggawa para sa perang kailangan ni Joe pangbayad sa Ospital.

Noong una, tumatanggi pa siya,…