Si Karen ay isang nars. May kasama siya sa kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus na babaing may malalang sakit na hahantong sa pagiging paralisado. Mayroon sanang sasagot ng gastusin ng babae kung ilalagay siya sa isang lugar kung saan inaalagaan ang tulad niyang may ganoong uri ng sakit. Pero masakit naman sa loob ng kanyang asawang lalaki na dalhin siya sa lugar na iyon.
Kaya, bilang isang nars at sa kanyang kakayahan na tulungan ang may sakit, lagi niyang pinupuntahan ang babaing may sakit para alagaan. Pero napagtanto ni Karen na napapabayaan na niya ang kanyang pamilya at ilang pangangailangan ng mga kaibigan niya. Kaya, hinikayat niya at tinuruan ang ilang mananampalataya sa kanilang kapulungan kung paano tutulungan ang babaing may sakit. Pagkalipas ng pitong taon, 31 katao ang kanyang naturuan na handang tumulong. Idinadalangin, pinagmamalasakitan at ipinapadama nila ang kanilang pagmamahal sa pamilya ng babaing may sakit.
Sinabi naman ni Juan na apostol ni Jesus, “Ang taong nagmamahal sa Dios ay dapat ding magmahal sa kanyang kapatid” (1 JUAN 4:21 ASD). Ipinakita ni Karen ang ganoong pagmamahal sa kanyang kapwa. Mayroon siyang kakayahan, pagmamalasakit at pagnanais na makatulong sa kapwa kasama ang ibang mananampalataya. Ang pagmamahal na ipinadama ni Karen sa isang tao ay nakahawa o nakaimpluwensiya sa marami.