Month: Disyembre 2018

Ngayon na

Naglaro ang apo naming sina Maggie at Katie sa likod-bahay. Ginawa nilang tent ang mga kumot. Maya-maya, tinawag ni Maggie ang kanyang ina. “Inay, punta ka po dito. Dali po. Gusto ko pong papasukin sa puso ko si Jesus. Tulungan n’yo po ako.” Nalaman ni Maggie na kailangan niya si Jesus at handa na siyang magtiwala sa Kanya.

Ang pagmamadali ni…

Nagpunta sa Ama

Halos isang dosenang bata ang nagkukuwentuhan at naglalaro sa loob ng isang silid ng aming kapilya. Dahil sa dami ng mga bata, mainit na sa loob kaya binuksan ko ang pinto. Sinamantala naman ng isang bata ang pagkakataong iyon para makatakas. Sinundan ko siya at hindi ako nagulat nang pinuntahan niya ang kanyang ama.

Ginawa ng batang iyon ang magandang gawin…

Singsing na Pantatak

Nang magkaroon ako ng kaibigan sa ibang bansa, napansin kong pangmaharlika ang punto ng pananalita niya sa Ingles at mayroon siyang singsing sa hinliliit. Nalaman ko na hindi lang pala basta singsing iyon. May nakaukit doon na nagpapahayag ng tungkol sa pamilya niya.

Ang singsing ng aking kaibigan ay parang may pagkakatulad sa singsing na binanggit sa aklat ng Hagai sa…

Mahal Kailanman

May mga kandado noon na nakalagay sa mga rehas na nasa gilid ng isang tulay sa Paris. Noong Hunyo, 2015, ipinaalis na iyon ng gobyerno dahil nanganganib nang bumagsak ang tulay. Umabot na sa mahigit 40 libong kilo ang bigat ng mga kandado.

Ang mga kandadong iyon ay simbolo ng walang hanggang pagmamahalan. Iniukit sa kandado ang pangalan ng nagmamahalan. Tapos,…

Simple ang Sinabi

Nakaratay sa ospital ang aking ama at marami siyang bisita. Ikinuwento ng isa niyang bisita ang nangyari sa sarili noong nasa inuman siya. Pinukpok daw ito ng bote sa ulo at nabasag ang bote. Nagtawanan kami pati ang aking ama kahit nahihirapan ito sa paghinga. Bagamat nahihirapan nang magsalita ang aking ama ay ipinaalala niya sa mga bisita niya na nangangaral…

Nasa Oras

Kung minsan ay nagbibiro ako na gagawa ako ng libro na ang pamagat ay Nasa Oras. Napapangiti naman ang mga nakakakilala sa akin. Madalas kasi akong hindi dumarating sa oras. Lagi kasing kulang ang oras ko para matapos ang mga gusto kong gawin bago umalis sa bahay. Bunga nito, lagi akong humihingi ng pasensya dahil hindi ako dumarating sa oras.

Ang…

Nagalak ang Lahat

Nagkaroon noon ng komperensya sa Singapore para sa pagpapalimbag ng mga libro at babasahin. 280 katao ang dumalo at mula iyon sa 50 bansa. Sa huling araw ng komperensya, nagpalitrato kaming lahat sa labas ng isang hotel. Ang kumukuha ng litrato ay nasa ikalawang palapag naman ng hotel. Kinunan niya kami ng iba’t ibang anggulo at nang sabihin niyang tapos na,…

Nagpasko sa Kulungan

Si Reverend Martin Niemoller na isang kilalang pastor at isang German ay halos walong taong ikinulong noon ng mga German dahil sa pagtuligsa niya kay Hitler. Noong 1944, bisperas ng Pasko, may sinabi siya para mabuhayan ng pag-asa ang mga kapwa niya nakakulong. Sinabi niya na sa pagsapit ng Pasko, dapat nilang kilalanin ang sanggol na isinilang sa Betlehem. Isinilang Siya…

Ano ang ibibigay Ko?

Ang aming kapilya ay nilalagyan ng mga dekorasyon kapag nalalapit na ang Pasko. Naisip ng mga naglalagay ng dekorasyon na mga listahan ng pamasko ang gagawin nilang dekorasyon. Binigyan nila ang bawat isa ng maliliit na papel. May kulay pula at may berde. Isusulat nila sa papel kung ano ang gusto nilang regalo kay Jesus. Tapos, sa likod ng papel ay…

Pinakamagandang Regalo

Nang pumunta kami sa New England para magpahinga, isa sa mga lalaking nagpunta din doon ay nagtanong ng ganito: Ano ang pinakagusto n’yong regalo sa Pasko?

Sumagot naman ang isang lalaking mahilig sa sports. Halatang gustunggusto niyang sagutin ang tanong. Habang nagsasalita ay nakatingin siya sa kanyang kaibigan na nasa tabi niya. Nang makatapos daw sa kolehiyo ang lalaki, gusto niyang…