Marami sa ginagawa nating Belen tuwing sasapit ang pasko ay nagpapakita na laging nandoon ang mga Pantas sa mismong kapanganakan ni Jesus. Pero ayon sa aklat ni Mateo sa Bagong Tipan kung saan doon lang nabanggit ang tungkol sa mga Pantas, wala sila sa mismong kapanganakan ni Jesus.
Hindi man nakapunta ang mga Pantas sa mismong kapanganakan ni Jesus sa sabsaban, maituturing naman natin itong magandang paalala ngayong taon na kahit hindi pasko ay nararapat na laging sambahin ang Panginoong Jesus. Maaaring tapos na ang pasko at balik na naman tayo sa ating mga araw-araw na ginagawa. Alalahanin natin na anumang oras ay mapapapurihan natin si Jesus.
Sinabi ng Dios na kasama natin Siya sa anumang panahon at ipinangako Niyang lagi Niya tayong sasamahan (MATEO 1:23; 28:20). Dahil lagi nating kasama ang Dios, magagawa nating sambahin Siya araw-araw at mapagtitiwalaan ang Kanyang katapatan sa atin. Tulad ng mga Pantas na hinanap ang Panginoong Jesus, maglaan naman tayo ng panahon para purihin at sambahin ang Panginoong Jesus saan man tayo naroroon.