Noong Marso 1974, may ilang taga China na magbubukid ang naghuhukay para magkaroon sila ng balon. Pero sa halip na tubig ang matagpuan, mga hinulmang putik na anyong sundalo, karwahe at kabayo ang nahukay nila. Napakarami ang nahukay nila at kilala ito ngayon sa tawag na Terracotta Army. Naging sikat ang Terracotta Army at taun-taon mahigit isang milyong katao ang pumupunta sa China para makita iyon. Ang kamangha-manghang kayamanang iyon na matagal na panahong nakatago sa ilalim ng lupa ay maaari nang makita ng lahat.
Sinabi naman ni Pablo na apostol ng Panginoong Jesus na may kayamanan ang mga sumasampalataya kay Jesus na dapat ding ipakita sa lahat ng tao. Ang kayamanang iyon na nasa mananam-palataya ay ang magandang balita tungkol kay Jesus at sa Kanyang pagmamahal sa lahat. Sinabi ni Pablo, “Nasa amin ang kayamanang ito, ngunit tulad lamang kami ng palayok na pinaglagyan nito” (2 CORINTO 4:7 ASD).
Huwag nating hahayaan na parang nakabaon lang sa lupa ang kayamanang ito. Sa halip, ipakita natin ito sa iba. Sa gayon, maaari ring maranasan ng iba ang pagmamahal at kagandahang-loob ng Dios. At magiging bahagi rin sila ng pamilya ng Dios. Nawa sa tulong ng Banal na Espiritu, maipakita natin ngayon sa iba ang kayamanang tinataglay natin.