Month: Marso 2019

Nakikilala

Makikita sa dating kulungan sa China ang dambana ng isang lalaking namatay noong 1945. Ganito ang mababasa sa dambana, “Ipinanganak sa Tianjin si Eric Liddell noong 1902. Ang pinakamatagumpay na bahagi ng kanyang buhay ay nang manalo siya ng gintong medalya sa larangan ng pagtakbo noong 1924 sa Olympic Games. Bumalik siya sa China para maging isang guro sa Tianjin. Inilaan…

Ulan sa Tagsibol

Habang naglalakad ako sa isang parke, nabaling ang atensyon ko sa maliliit na halaman na malapit nang mamulaklak. Ang mga bulaklak na iyon ay nagpapahiwatig na malapit na ang tag-init at matatapos na ang panahon ng taglamig.

May mababasa naman tayo sa Lumang Tipan ng Biblia na tila walang katapusan ang panahon ng taglamig. Inutos noon ng Panginoon kay propeta Hosea…

Pagtakbo at Pagpapahinga

Nabasa ko sa dyaryo na mahalaga sa mga atleta ang pagpapahinga. Ayon kay Tommy Manning, isang dating miyembro ng U.S. Mountain Running Team, ang pagpapahinga raw ang isa sa mga gawaing madalas na hindi binibigyang halaga ng mga atleta. Sinabi pa niya na kailangan daw ng katawan ang magpahinga pagkatapos ng nakakapagod na pagsasanay.

Mahalaga rin ang magpahinga sa ating paglilingkod…

Maliit na Apoy

Isang gabi ng Setyembre, taong 1666, nasunog ang pagawaan ng tinapay ni Thomas Farriner sa London. Kumalat agad ang apoy sa mga kalapit bahay hanggang halos matupok na ang buong lungsod ng London. Tinatayang 70,000 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog. Isa itong napakalaking trahedya na nagsimula lang sa isang maliit na apoy.

Nagbigay din sa atin ang Biblia…

May Problema

Matapos kong isilang ang aking anak na si Allen, sinabi ng doktor na kailangan siyang dalhin sa ibang ospital para maoperahan agad. Mapanganib kasi ang kondisyon niya na maaari niyang ikamatay.

Magkakaroon ng malaking epekto sa buhay mo ang malaman na may malubhang sakit ang anak mo. Mapupuno ka ng takot at tatawag ka sa Dios na Siyang magbibigay sa iyo…