Minsan, pumunta kami ng pamilya ko sa isang lugar na may mga nagtatanghal. Nais namin na magkakatabi kaming lahat sa upuan. Kaya nang may makita kaming libreng upuan para sa aming lahat, agad kaming pumunta. Pero nang papunta na kami, may isang babae na nagmamadali at inunahan kami sa upuan. Sinabi ng asawa ko sa babae na gusto naming magkakatabi sana sa upuan. Pero sinabi naman agad ng babae na pasensiya na at may kasama rin ako.
Kahit naiinis sa nangyari, nagpasya kami na maghiwa-hiwalay na lang. Napansin naman ng aking asawa na si Sue ang dalawang matanda na kasama ng babae. Nahihirapan ang babae sa pagaasikaso sa dalawang matanda. Nang mapansin namin iyon, nawala ang aming pagkainis. Nasabi ni Sue, “Ang hirap ng kalagayan ng babae.” Kaya naunawaan namin kung bakit ganoon ang ginawa ng babae. At natuto pa kami na magpakita ng pagmamalasakit sa halip na pagkainis.
Saan man tayo magpunta, makakakita tayo ng mga taong nangangailangan ng malasakit. Kaya naman makakatulong sa atin kung susundin natin ang payo ni apostol Pablo. Sinabi niya, “Bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Dios, dapat kayong maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis” (COLOSAS 3:12 ASD). Dagdag pa ni Pablo, “Magpasensiyahan kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo” (TAL. 13 ASD).
Sa pagmamalasakit natin sa iba, naipapakilala natin si Jesus na siyang nagpadama sa atin ng Kanyang kagandahangloob at pagmamalasakit.