Hinihintay naming mabautismuhan si Kossi na taga Africa. Nagtitiwala siya at ang kanyang pamilya kay Jesus. Habang naghihintay, nakita naming kinuha ni Kossi ang isang lumang rebulto na gawa sa kahoy. Matagal na nilang sinasamba ang rebultong iyon. Pero inihagis niya ito sa apoy at pinagmasdan habang natutupok ng apoy. Hindi na nila kailangan pang mag-alay muli ng mga manok na pinataba para sa dios-diosang iyon.
Nagiging dios-diosan naman ng mga nagtitiwala kay Jesus ang mga bagay o ginagawa na mas napapahalagahan ng higit sa Dios. At sa mga taga Africa naman ang mga rebulto mismo ang kanilang nagiging dios-diosan. Kaya, nagpapakita ng katapangan bilang pagtitiwala sa tunay na Dios ang pagsunog sa mga rebulto at pagpapabautismo.
Namuhay namang sumasamba sa mga dios-diosan ang walong taong gulang na si Haring Josias. Ang kanyang ama at lolo ang pinakamasamang hari sa kasaysayan ng Juda. Pero nang marinig ni Haring Josias na may natagpuang mga Aklat ng Kautusan ni Moises, binasa niya ito. Isinapuso at sinunod ni Haring Josias ang mga sinasabi sa Salita ng Dios (2 HARI 22:8-22). Ipinawasak niya ang mga rebultong sinasamba ng kanyang mga kababayan at ipinasunog ang mga ito. Ipinahinto niya rin ang mga pag-aalay sa mga dios-diosan. Pagkatapos, nagdiwang ang buong kaharian para parangalan ang tunay na Dios (2 HARI 23).
Tuwing umaasa tayo sa sariling kakayahan o sa ibang bagay at hindi sa Dios, maituturing itong dios-diosan. Sa Dios lamang tayo magtiwala at pag-isipan kung ano ang dapat gawin sa rebultong gawa ng tao o sa mga bagay na pinapahalagahan natin nang higit sa Dios.