Minsan, maaga akong dumating sa aming kapilya para tumulong sa gaganaping pagdiriwang doon. Nang makarating na ako, nakita ang isang babae na umiiyak sa isang gilid. Nakikilala ko ang babaeng iyon. Wala siyang awa sa akin at nagtsismis sa akin nang nakaraang panahon. Kaya naman, bakit ko siya papakitaan ng pagkaawa at pagmamalasakit?
Nang mga sandali ring iyon, ipinaalala sa akin ng Banal na Espiritu kung paano ako pinatawad ng Dios sa lahat ng aking kasalanan. Nilapitan ko siya at nag-usap kami. Ikinuwento niya sa akin na 3 buwan na noon nasa ospital ang kanyang anak. Niyakap ko siya at idinalangin namin ang kanyang anak. Pagkalipas ng ilang panahon, naging mabuti kaming magkaibigan sa kabila ng aming mga hindi pagkakaunawaan.
Sa Mateo 18, ikinumpara ng Dios ang kaharian ng langit sa isang haring pinatawad ang kanyang alipin. Nagmakaawa ang alipin sa hari dahil sa laki ng pagkakautang nito. Kaya naman pinatawad siya ng hari at kinalimutan na ang kanyang pagkakautang. Pero matapos iyon, hindi naman pinatawad ng alipin ang isang taong nagkautang sa kanya. Nalaman naman ito ng hari kaya ipinakulong niya ang masamang alipin na hindi marunong magpatawad sa kabila ng naranasan niyang kapatawaran (TAL. 23-24).
Sa tuwing nagpapatawad tayo, hindi naman ibig sabihin na pinapalampas natin ang kasalanan nilang nagawa o mababawasan ang sakit dulot ng ginawa nila. Sa halip, ang pagpapatawad ay nagdudulot sa atin para matamasa ang kahabagang ipinakita ng Dios sa atin. At sa tulong ng Dios, magiging maayos muli ang ating relasyon sa iba sa pamamagitan ng ating pagpapatawad.