May pangit na karanasan sa bahay ampunan ang batang inampon namin. Dahil doon, hindi naging maganda ang pag-uugali niya. Sinikap namin na mapalapit ang loob niya sa amin bilang bago niyang pamilya.
Naiintindahan ko ang mga hirap na naranasan niya, pero lumalayo ang loob ko sa kanya dahil sa hindi magandang ugaling ipinapakita niya. Nang binanggit ko sa isang eksperto ang paglayo ng loob ko sa aking anak, nabigla ako sa sinabi niya. “Kailangang ikaw muna ang unang magpadama na karapatdapat siyang mahalin, kapag naramdaman niya iyon, siya naman ang magpapakita nito."
Hinikayat naman ni apostol Juan ang mga sinulatan niya na mag-ibigan ng tunay sa isa’t isa dahil mula sa Dios ang pag-ibig (1 JUAN 4:7-11). Inaamin ko na hindi ko minsan naipapadama ang ganoong pag-ibig sa ibang tao, sa mga hindi ko kakilala, mga kaibigan o maging sa sarili kong mga anak. Pero ang sinabi ni Juan ang nag-udyok sa akin para naisin na magmahal tulad ng ginawa ng Dios na unang nagmahal sa atin. Isinugo Niya ang Kanyang anak bilang pagpapakita ng lubos Niyang pag-ibig. Labis akong nagpapasalamat dahil patuloy Niya tayong minamahal kahit na marami siyang dahilan para lumayo ang loob Niya sa atin.
Kahit na hindi tayo kaibig-ibig dahil sa ating mga kasalanan, hindi Siya nag-atubiling ibigin tayo (ROMA 5:8). Ito nawa ang mag-udyok sa atin para mahalin ang bawat isa.