Isang Linggo ng umaga, nakaramdam ako ng kapahingahan ng isip habang tinatanaw ang pag-agos ng tubig sa batis at naririnig ang huni ng mga ibon. Huminto at nagpasalamat ako sa Panginoon sa pagbibigay Niya ng kapahingahan.
Itinakda naman noon ng Dios ang araw ng Sabbath bilang araw ng pamamahinga ng mga Israelita dahil nais ng Dios na manumbalik ang kanilang lakas. Mababasa natin sa aklat ng Exodo na pinagtatanim sila ng Dios sa loob ng anim na taon at ipinagpapahinga sa ikapitong taon. Ganoon din naman sa pagtatrabaho, anim na araw silang nagtatrabaho at nagpapahinga sa ikapitong araw. Ang pamumuhay na ito ng mga Israelita ang nagpaiba sa kanila sa ibang mga bansa. Maging ang mga dayuhang kasama nila at mga alipin ay dapat ding sumunod sa utos na ito.
Isang pagpapala ang magkaroon ng araw ng pamamahinga tulad ng mga Israelita. Maaari nating gamitin ang pagkakataong ito para sumamba sa Dios at gawin ang iba pang gawain na nagdudulot ng kapahingahan ng ating isip tulad ng pagbabasa, pagtatanim, paglalaro at pagkain na kasama ang mga mahal natin sa buhay.
Huwag nating kaligtaan ang araw ng pamamahinga. Hindi natin malalaman ang kabutihang dulot nito kung atin itong kinakaligtaan.