Hindi maipaliwanag ng isang Australyanong mamahayag ang naging pakiramdam niya nang palayain siya mula sa 400 araw na pagkakakulong sa bansang Egipto. Masaya man sa kanyang paglaya, mahirap para sa kanya na iwan at magpaalam sa mga kaibigan niyang kapwa mamahayag na nakulong din. Nag-alala siya kung hanggang kailan mananatili ang mga ito sa kulungan.
Nag-alala rin si Moises para sa mga Israelita. Nagalit kasi ang Dios sa kanila nang sumamba sila sa guyang ginto. (EXODO 32:11-14). Dahil sa pagmamalasakit ni Moises sa kanila, namagitan siya para sa kanila. Nagmakaawa si Moises sa Dios, “Ipinapakiusap ko pong patawarin na Ninyo sila. Kung hindi Ninyo sila mapapatawad, burahin na Ninyo sa Inyong aklat ang Aking pangalan” (TAL. 32 MBB).
Nag-alala rin si apostol Pablo para sa kanyang pamilya, kaibigan at bayan. Dahil hindi sila nagtiwala kay Jesus, sinabi ni Pablo na mas gugustuhin niya pang mawalay kay Cristo kung makakabuti iyon para sa kanila (ROMA 9:3).
Nakita natin na parehong ipinakita nina Moises at Pablo ang pagmamalasakit ng Panginoong Jesu-Cristo. Gayon pa man, higit na ipinakita ni Jesus ang pagmamalasakit at lubos na pagmamahal sa atin. Namatay Siya upang makapiling tayo sa walang hanggan.