Ang Café Rendezvous sa London ay isang negosyong itinayo ng ilang mga sumasampalataya kay Jesus. Pagkalipas ng isang taon, nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa Café Rendezvous. Ginawa nilang libre ang lahat ng kanilang itinitinda. Minabuti nilang gawin iyon dahil pakiramdam nila, ito ang gusto ng Dios na gawin nila. Hindi rin sila humihingi ng donasyon. Libre talaga ang lahat.
Tinanong ko ang isa sa mga tagapamahala kung bakit nila ito ginagawa. Ang sabi niya, “Kung ano ang ginawa ng Dios sa amin, ganoon din ang gusto naming gawin sa iba. Laging nagbibigay ang Dios sa atin, magpasalamat man tayo sa Kanya o hindi. Nagbibigay Siya nang higit pa sa ating inaasahan.”
asahan.” Ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay para iligtas tayo sa kaparusahan sa kasalanan at para ayusin ang nasira nating relasyon sa Dios. Nabuhay Siyang muli at ngayo’y nananatiling buhay. Dahil dito, mapapatawad ang lahat ng kasalanang nagagawa natin at magkakaroon tayo ng bagong buhay (EFESO 2:1-5). Ang nakakamangha rito ay libre Niyang ibinigay ang lahat ng ito. Hindi natin mabibili ang bagong buhay na iniaalok ni Jesus. Sapat na ang ginawa Niya at wala na tayong maidadagdag pa (TAL. 8-9).
Ang libreng pagbibigay ng mga taga Café Rendezvous ay nagpapakita ng pagiging mapagbigay ng Dios. Ibinigay ng Dios ang Kanyang Anak na si Jesus. Inialay ni Jesus ang buhay Niya para libreng makamit ng sinumang magtitiwala sa Kanya ang buhay na walang hanggan.