Isa si Arturo Toscanini sa mga pinakasikat na tagapanguna ng mga manunugtog noong ika-20 siglo. Kilala siya sa kanyang ugali na ibinibigay ang parangal sa kung kanino man ito nararapat. Ikinuwento ni David Ewen sa kanyang librong Dictators of the Baton kung paanong tumayo at nagpalakpakan ang mga miyembro ng New York Philharmonic Orchestra bilang pagpaparangal kay Arturo pagkatapos nilang tugtugin ang musikang Ninth Symphony na kinatha ni Beethoven. Nang matapos ang palakpakan, naluluhang sinabi ni Arturo, “Hindi ako ang dapat parangalan kundi si Beethoven."
Ganito rin ang ipinakita ni Apostol Pablo sa Bagong Tipan. Hindi niya tinanggap ang pagpaparangal sa kanya ng mga sumampalataya kay Jesus na natulungan niya. Tinitingala siya ng mga ito dahil sa mga itinuro niya at sa kanyang pangangalaga sa kanila. Ngunit sinabi ni Pablo na nagawa niya ang lahat ng iyon sa tulong ng Dios at hindi sa kanyang sarili lamang.
Inamin ni Pablo na nagsikap at nagpakasakit siya para palakasin ang kanilang pananampalataya pero sa kabila noon, hindi niya magawang tanggapin ang pagpaparangal nila sa kanya (1 COR. 15:10).
Tila sinasabi ni Pablo na “Hindi ako ang dapat parangalan kundi si Jesus lang.” Tayo’y mensahero lamang ng Dios at Siya lamang ang nararapat parangalan.