Month: Abril 2020

Sino si Jesus?

Isipin mo ang isang daanang punong-puno ng mga tao. Ang babae sa likod mo ay nakatingkayad habang tinitingnan kung sino ang paparating. Makikita sa daan na paparating ang isang lalaking sakay ng asno. Habang papalapit ang lalaki ay inilalatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa daan. Bigla mo namang narinig sa likuran mo na may pumuputol ng sanga ng…

Holy Week in the Midst of Quarantine

Sa kabila ng mga naririnig nating masasamang balita tungkol sa COVID-19, may magandang balita naman tayong maririnig!

Ito ay ang Magandang Balita tungkol sa Panginoong Hesu-Cristo!

Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan…

Linggo ng Pagkabuhay - Buhay Siya!

Buhay siya!

Basahin: Lukas 24:13-34

Muli ngang nabuhay ang Panginoon. –Lucas 24:34 ASD

Nang namumukadkad na ang mga bulaklak sa aming bakuran, naglakad-lakad dito ang aming anak na limang taon pa lang. May nakita siyang ilang mga tuyong dahon at patay na bulaklak. Sinabi niya, “Ma, kapag nakakakita po ako ng tuyo o patay na bagay, naaalala ko po ang Mahal na…

Sabado Santo - Matatalo Mo!

Matatalo Mo!

Basahin: Mateo 28:1-10

“Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?” –1 Corinto 15:55 MBB

May narinig akong isang patalastas sa radyo. Ang narinig kong sinabi ay matatalo daw natin ang kamatayan. Dumalo daw sa kanilang seminar para malaman kung paano. Inisip ko kung ano ang imumungkahi sa seminar na dapat gawin. Kailangan bang mag-ingat sa pagkain o magehersisyo? Habang pinakikinggan ko ang…

Biyernes Santo - Sigaw ng Tagumpay

sigaw ng taguMpay

Basahin: Juan 19:28-37

“Naganap na!” –Juan 19:30 MBB

May nabasa ako noon tungkol sa isang lalaki. Bumaba siya sa isang matarik na lambak at nabagsakan ng napakabigat na bato ang kanang kamay niya. Naipit ito at hindi siya makaalis. Nawalan na siya ng pagasang makakaligtas pa at nanghihina na din siya. Pagkalipas ng anim na araw, pinutol na niya ang…

Huwebes Santo - Gabi Noon

Gabi Noon

Basahin: Juan 13:21-30

Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon. –Juan 13:30 ASD

Isang gabi ng Huwebes Santo, may dinaluhan akong isang pananambahan. Maliit lang ang kapilya at mga kandila lang ang ginamit na ilaw. Pagkatapos naming alalahanin ang Panginoong Hesus sa pamamagitan ng tinapay at katas ng ubas, may nagbasa ng mga talata sa aklat ng…

Abot-kamay na Pagtulong

Ninais ng 8 taong gulang na si Carmine McDaniel na masigurong masigla at malakas ang mga karterong nagdadala ng sulat sa kanila. Kaya, naglagay siya ng maiinom sa harap ng kanilang bahay. Nakunan naman ng CCTV ang reaksyon ng kartero. Sabi ng kartero, “Salamat may tubig at Gatorade. Salamat sa Dios, salamat po!”

Sinabi ng ina ni Carmine, “Iniisip ni Carmine…

Matamis at Mapait

May mga tao na gusto ang mapait na tsokolate at ang iba nama’y matamis. Hinahaluan ng sili noon ng mga katutubo sa Amerika ang tsokolate na kanilang iniinom. Tinawag nilang mapait na tubig ang tsokolate. Pero iba naman ang ginawa ng mga Espanyol, hinaluan nila ng asukal at pulot ang tsokolate. Sa gayon, tumamis ito at hindi na masyadong mapait.

Tulad…