"Kung ang Dios ay walang simula, walang katapusan at pang walang hanggan, ano ang ginagawa Niya bago tayo nilikha?” Iyan ang laging tinatanong sa akin ng isang bata sa Sunday School kapag pinaguusapan namin ang walang hanggang katangian ng Dios. Noon, ang tanging naisasagot ko lamang sa kanya ay may misteryo patungkol dito. Ngunit sa pagsasaliksik ko ng Biblia, natagpuan ko na ang kasagutan.
Nang manalangin si Jesus sa Kanyang Ama sa aklat ng Juan 17, sinabi Niya ang ganito, “Ama...minahal Mo na Ako bago pa man nilikha ang mundo.” Ito ang rebelasyon sa atin ng Dios na bago pa man nilikha ang mundo ay minamahal na ng Ama ang Kanyang Anak sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa Mateo 3:17, sinabi ng Panginoon, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” Ang Dios ay mapagmahal at mapagkalinga sa Kanyang anak.
Nakakamanghang isipin ang katotohanan tungkol sa pagmamahal ng ang Dios Ama, ni Jesus at Espiritu Santo. Ang pag-ibig na ito ang susi sa pagkilala at pag-unawa natin sa Panginoon. Tunay nga na ang Dios ay pag-ibig. Minahal na ng Dios ang Kanyang anak bago pa man Niya nilikha ang buong mundo.