Noong 1997, maraming tao ang walang mahanap na trabaho dahil sa krisis. Isa ako sa mga iyon. Nakahanap naman ako ng trabaho pagkalipas ng siyam na buwan, pero hindi nagtagal, nagsara din ang kumpanya.
May mga ganoon ka na rin bang karanasan? Yung akala mo'y natapos na ang problema mo pero may darating pa pala na mas mahirap. Naranasan din iyon ng babaeng balo sa Zarefat. Dahil sa matinding taggutom sa kanilang lugar, kinapos sila sa pagkain. Humingi pa ng makakain ang propetang si Elias. Bagamat may pag-aalinlangan, ibinigay pa rin ng balo sa propeta ang natitirang pagkain nila ng kanyang anak. Hindi naman sila pinabayaan ng Dios, hindi naubos ang kanilang harina at langis (1 HARI 17:10-16).
Nalutas man ang problema nila, nagkasakit naman ang anak ng balo at namatay. Sinabi ng balo kay Elias, “Ano po ang ikinagalit ninyo sa akin, lingkod ng Dios? Pumunta po ba kayo rito para patayin ang aking anak bilang parusa sa aking mga kasalanan?” (TAL .18).
Minsan, katulad ng babaeng balo, naiisip natin na para bang pinaparusahan tayo ng Dios. Nakakalimutan natin na may masasama talagang nangyayari dahil masama ang mundo.
Kinuha ni Elias ang bata, ipinanalangin sa Panginoon at muli itong nabuhay (TAL . 20-22).
Sa mga panahon na parang walang kasing bigat ang ating mga problema, maging katulad nawa tayo ni Elias na nananatiling nagtitiwala na kailanma’y hindi tayo pababayaan ng Dios.