Si Nabeel Qureshi ay nagtitiwala na kay Jesus. Sumulat siya ng mga aklat para matulungan ang mga tao na mas maunawaan ang mga kasama niya sa dati niyang relihiyon. Sinikap ni Nabeel na maging magalang at maipakita ang kanyang pagmamahal sa mga dati niyang kasama sa relihiyon.

Inialay ni Nabeel ang isa sa kanyang mga libro para sa kanyang minamahal na babaeng kapatid na hindi pa nagtitiwala kay Jesus. Ito ang sabi niya, “Nagsusumamo ako sa Dios na balang araw ay makasama kita sa pagsamba.”

Makikita rin natin ang ganyang pag-ibig sa sulat ni Pablo sa mga tagaRoma, “labis akong nalulungkot at nababalisa para sa aking mga kalahi at kababayang Judio. Kung maaari lang sana, ako na lang ang sumpain ng Dios at mahiwalay kay Cristo, maligtas lang sila”(ROMA 9:2-3).

Labis-labis ang pagmamahal ni Pablo sa mga Judio na pipiliin pa niya na mahiwalay sa Dios magtiwala lamang sila kay Jesus. Nalalaman ni Pablo na kapag tinanggihan nila si Jesus, tinatanggihan din nila ang nag-iisa at tunay na Dios. Dahil doon, hinikayat din ni Pablo ang mga tao na ibalita sa lahat ang tungkol kay Jesus.

Sana ay maipadama rin natin ngayon ang ating pagmamahal sa mga taong malapit sa atin.