Kilala si Anne Frank sa kanyang isinulat tungkol sa paghihirap na naranasan ng kanyang pamilya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang mahuli siya at mabilanggo sa isang Nazi Death Camp na isang lugar kung saan sabay sabay na pinapatay ang mga bilanggo, lubos siyang nahabag sa mga kapwa niya bilanggo. Ayon sa iskolar na si Kenneth Bailey, hindi napagod sa pagpapakita ng awa si Anne Frank. Hindi siya tumigil sa pagtangis para sa kanila.
Madali naman tayong magsawa sa pagpapakita ng awa dahil sa sobrang gulo ng mundo. Hindi naman napagod sa pagpapakita ng kahabagan si Jesus. Sinasabi sa Mateo 9:35-36, “Nilibot ni Jesus ang mga bayan at nayon, at nangaral Siya sa mga sambahan ng mga Judio.
Ipinahayag Niya ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios, at pinagaling Niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman. Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, naawa Siya sa kanila.”
Naparito si Jesus para tugunin ang mga pangangailangan ng mga tao at hinikayat Niya ang Kanyang mga tagasunod na maging kabahagi Niya sa gawain (TAL. 37-38). Nanalangin si Jesus sa Kanyang Ama na magtalaga ng mga manggagawa na tutugon sa pangangailangan ng mga lugmok sa kalungkutan, kasalanan at karamdaman. Nawa’y maging tulad natin si Jesus na may pusong maawain. Sa tulong ng Banal na Espiritu, maipapakita natin ang pagmamalasakit ni Jesus.