Ang Mensahero
“May mensahe para sa’yo.” Ito ang sinabi sa akin ng babae sa isang pagtitipon habang inaabot ang isang piraso ng papel. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o magiging masaya. Nakahinga lang ako nang maluwag pagkatapos ko itong mabasa, “May pamangkin ka na!”
Maaaring makatanggap tayo ng maganda o masamang mensahe. Sa Lumang Tipan, ipinapaabot ng Dios ang Kanyang mensahe…
Bago ang Lahat
Madalas akong magpunta sa junkyard o sa tambakan ng mga luma at mga sirang sasakyan. Maaaring magdulot ng kalungkutan ang lugar na iyon dahil ang mga sasakyang pag-aari noon ng iba ay lumang luma na at nakatambak na lang. Sa paglalakad ko sa lugar na iyon, may mga napapansin akong ilang mga sasakyan. Saansaan kaya nakarating ang mga sasakyang iyon noong…
Iba ang Sagot
Noong 18 taong gulang ako, kinailangan kong pumasok sa military tulad ng lahat ng mga kabataang lalaki dito sa Singapore. Nanalangin ako na madali lang na tungkulin ang mapunta sa akin dahil hindi naman ako kasing-lakas ng iba. Pero isang gabi, nabasa ko ang 2 Corinto 12:9, “Sapat na sa iyo ang Aking biyaya…” Sa pamamagitan ng talatang iyon, lumakas ang aking…
Pagpapatawad ng Dios
Tuwing ika-28 ng Disyembre, may grupo ng mga tao sa Amerika na nagdiriwang ng tinatawag na Good Riddance Day. Sa araw na iyon, isinusulat nila ang mga hindi magagandang nangyari sa taon na iyon at itatapon nila ang mga pinagsulatan sa isang makina na nagpupunit ng papel.
Pero may mas mainam pa kaysa sa pagdiriwang ng Good Riddance Day. Mababasa natin…
Pinakamataas na Papuri
Minsan, inimbitahan ng asawa ko ang kanyang kaibigan sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Sinabi ng kanyang kaibigan na nagustuhan niya ang mga kanta pero nagtataka siya kung bakit masyado raw naming itinataas o pinaparangalan si Jesus. Ipinaliwanag sa kanya ng asawa ko na ang pagiging Kristiyano ay ang pagkakaroon ng relasyon kay Jesus. Sinabi pa ng asawa ko na,…