Noong 2005, nakulong si McGee dahil nadawit siya sa pandaraya ng mga dokumento ni Collins. Pinangako ni McGee sa kanyang sarili na pagkalaya niya ay hahanapin niya agad si Collins para makaganti sa kanya. Nakulong din si Collins dahil nasiwalat na ang mga pandaraya niya at nawalan din siya ng trabaho dahil doon. Sa ‘di inaasahang pangyayari, parehas silang sumampalataya kay Jesus habang nasa loob ng kulungan.
Makalipas ng ilang taon ng pagkakalaya nila, natuklasan nila na nagtatrabaho pala sila sa iisang organisasyon. Hindi nagbigay ng anumang paliwanag si Collins kay McGee, humingi lang ito ng paumanhin sa kanya. Iyon lang din naman ang nais marinig ni McGee mula kay Collins. Pinatawad ni McGee si Collins. Nagawa nilang magkasundo dahil parehas nilang naranasan ang pagmamahal at pagpapatawad ng Dios (COLOSAS 3:13).
Mabuting magkaibigan na ngayon sina Collins at McGee. Ang misyon nilang dalawa ngayon ay ipaalam sa mga tao na kung may nagawan ka ng mali, dapat kang magpakumbaba at humingi ng tawad. At kung may hinanakit ka naman sa iba, iminumungkahi nila na alisin ang anumang galit dahil para itong lason.
Nais ng Dios na magkaisa at magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng lahat ng mga nagtitiwala sa Kanya. Kung mayroon man tayong hinanakit sa ating kapwa, maaari natin itong ilapit sa Dios. Tutulungan Niya tayo na magpatawad at makipagkasundo (TAL. 13-15; FILIPOS 4:6-7).