Marahil ang mga katagang, “Salamat sa pagiging ikaw” ang isa sa pinaka-nakakaantig na mensaheng mababasa natin sa mga card. Kung makakatanggap ka ng card na may ganoong mensahe, maaaring mararamdaman mo na importante ka hindi dahil sa may nagawa kang napakagandang bagay para sa taong iyon kundi dahil nakikita niya ang halaga mo.
Iniisip ko na maaaring ito rin ang pinakamabuting sabihin kung gusto nating pasalamatan ang Dios. May mga pagkakataon na nagpapasalamat tayo sa Dios dahil sa mga nakikita nating ginagawa Niya para sa atin. Pero maganda rin na pasalamatan natin Siya hindi lamang sa mga ginagawa Niya kundi dahil pinapahalagahan natin kung sino Siya.
May mga talata sa Biblia na nagpapahayag ng pasasalamat sa Dios dahil sa Kanyang mga katangian. Ilan sa mga ito ay ang, “Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil Siyaʼy mabuti; ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan” (1 CRONICA 16:34), “Pinasasalamatan ko kayo Panginoon, dahil matuwid Kayo” (SALMO 7:17) at “Lumapit tayo sa Kanya nang may pasasalamat... Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios” (SALMO 95:2-3).
Nararapat lamang na pansamantala tayong huminto sa mga ginagawa natin upang purihin at pasalamatan ang Dios dahil sa Kanyang mga katangian.