May nakasulat sa aming bahay na, “Nandito ang Dios, kilalanin man natin Siya o hindi.”
Sinabi naman ni propeta Hosea sa mga Israelita na sikapin nilang kilalanin ang Dios (HOSEA 6:3). Hinikayat niya silang kilalanin ang Dios dahil noong mga panahong iyo’y unti-uti nilang kinalimutan, tinalikuran at binalewala ang Dios (HOSEA 4:1,12, SALMO 10:4).
Isang paalala para sa atin ang sinabi ni Hosea na laging narito ang Dios at Siya ang kasama natin at tumutulong sa atin sa kahit anong sitwasyon ng ating buhay.
Maipapakita natin na kinikilala natin ang Dios kapag inihahayag natin na nagawa o nakamit natin ang mga bagay tulad ng mataas na posisyon sa trabaho sa pamamagitan ng tulong ng Dios. Kinikilala natin na Siya ang nagbigay sa atin ng kakayahan para magawa ito. Kung hindi naman ayon sa gusto natin ang nangyari, matatanggap natin ito nang maluwag dahil alam nating ipinahintulot iyon ng Dios para sa ikabubuti natin.
Hindi man natin makamit ang ninanais natin tulad ng makapag-aral sa gusto nating eskuwelahan, panatag tayo dahil sa katotohanang kasama natin ang Dios sa kabila ng ating kabiguan. Maaari din nating ipakita na kinikilala natin Siya kahit sa simpleng pagpapasalamat sa pagkaing ating kakainin dahil sa Kanya nagmula ang mga ito.
Kung kinikilala natin ang Dios, maaalala natin na kasama natin Siya sa bawat sitwasyon ng ating buhay, sa tagumpay man o sa kabiguan.