Nagtrabaho ako noon sa isang rantso habang bakasyon pa. Isang gabi, dahil sa pagod at gutom, naibunggo ko ang traktorang minamaneho ko. Natamaan ko ang isang maliit na tanke ng gasolina at saka tumapon ang laman nito.
Nakita ng may-ari ng rantso ang nangyari. Pagkababa ko sa traktora, humingi ako sa kanya ng paumanhin. Sinabi ko rin na hindi na ako hihingi ng sweldo sa buong pagtatrabho ko sa rantsong iyon.
Habang pinagmamasdan naman ng may-ari ang kalat na nagawa ko, sinabi niya lang sa akin, “Tara, kain tayo.”
Dahil sa pangyayaring iyon, naalala ko ang kwento na sinabi ni Jesus tungkol sa isang binata na nakagawa nang hindi maganda laban sa kanyang ama. Sinabi nito sa kanyang ama, “Ama, nagkasala po ako sa Dios at sa inyo. Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak ninyo.” Pero bago pa man matapos ng binata ang gusto niyang sabihin, sinabi ng kanyang ama na ipagdiriwang nila ang pagbabalik ng binatang naglayas. Tulad ng may-ari ng rantso, para bang sinabi ng ama sa anak niyang humhingi ng tawad, “Tara, kain tayo.” (LUCAS 15:17-24). Ako at ang binata ay parehong pinatawad ng mga nagawan namin ng kasalanan.
Kamangha-mangha ang kagandahang loob at pagpapatawad ng Dios.