Noong 1970s, pumunta sa bansang UK ang mga tubong Nigeria na sina Tani at Modupe para mag-aral. Hindi nila akalain na gagamitin sila ng Dios para mapagbago at mapag-isa ang isang komunidad sa Anfield, Liverpool. Dahil sa kanilang katapatan sa Dios at taospusong paglilingkod sa komunidad na iyon, maraming buhay ang nabago at nagkaroon ng pag-asa.
Tulad nina Tani at Modupe, binago rin ni Manase ang Juda na kanyang nasasakupan. Noong una’y hindi siya naging mabuting hari at pinangunahan ang Juda na puno ng kasamaan (2 CRONICA 33:1-9). Binalaan ng Dios si Manase ukol dito pero hindi siya nakinig. Dahil dito, niloob ng Dios na madakip si Manase at mabihag sa Babilonia (TAL. 10-11).
Sa kanyang paghihirap, nanalangin, nagpakumbaba at nagmakaawa sa Dios si Manase. Pinakinggan naman siya ng Dios at pinabalik siya sa kanyang kaharian (TAL. 12-13). Ang pangyayaring ito ang bumago sa kanya, “Ipinaayos niya ang altar ng Panginoon at… Sinabihan niya ang mga mamamayan ng Juda na maglingkod sa Panginoon, ang Dios ng Israel” (TAL. 16). Nakita ng mga tao ang pagbabago kay Manase at sila din ay nagbago (TAL. 17).
Nawa'y dahil sa pagbabagong ginawa sa atin ng Dios ay mabago rin ang ating komunidad sa pamamagitan natin.