Napakagandang Balita!
May isang naisulat na balita sa dyaryo tungkol sa isang grupo ng mga bilanggo. Dumalo ang mga bilanggong ito sa isang pagtitipon na nakatuon sa pagpapatibay ng relasyon ng pamilya. Pagkatapos nito, binigyan sila ng pambihirang pagkakataon na mabisita ng kanilang mga pamilya. Marami sa kanila ang napakatagal nang hindi nabibisita at ang iba nama’y nakakausap lamang ang mga ito pero…
Pagpupuri ng mga Bata
Si Michele Perry ay isang misyonaryo mula sa South Sudan. Nang mapanood niya ang sampung taong gulang na si Viola na ginagaya ang isang pastor na nangangaral, binigyan niya ito ng pagkakataon na magsalita sa kanilang outreach. Sinabi ni Michelle, “Natuwa ang mga tao kay Viola. Bagamat inabandona siya ng kanyang mga magulang, hindi ito nagpahina sa kanya. Bilang anak na…
Maling Impormasyon
Nagpunta kami noon ng aking asawa sa New York. Isang gabi, nagpasya kami na magpunta sa isang kainan kahit maginaw. Humanap kami ng taxi sa pamamagitan ng isang app sa cellphone. Nagulat ako nang napakamahal ng pamasahe samantalang 3 milya lang naman ang layo ng kainan mula sa hotel na tinutuluyan namin. Ilang sandali pa, napagtanto ko na nagkamali pala ako ng…
Tara, Merienda Muna!
Fika ang pangalan ng kapihan sa aming lugar na malapit din sa aking bahay. Isa itong wikang Swedish na ang ibig sabihin ay tumigil sandali para uminom ng kape at kumain ng tinapay kasama ang iba. Ipinapaalala sa akin ng salitang Fika ang isa sa mga gustong-gusto ko tungkol kay Jesus. Ito ay ang paglalaan ni Jesus ng panahon para tumigil sandali…
Kamangha-manghang Likha
Madalas akong abala dahil sa napakarami kong mga dapat gawin sa bawat araw. Lagi rin akong natataranta dahil sa kabi-kabilang appointments na dapat kong daluhan. Dahil doon, laging pagod ang isip ko. Pero isang araw, naisipan kong umupo sa duyan namin. Naiwan ko noon ang cellphone ko sa loob ng bahay kung saan naroon din ang asawa at mga anak ko.…