Gamit ng mga siyentipiko ang tinatawag na acoustic astronomy upang maobserbahan at mapakinggan ang mga tunog at ritmo sa kalawakan. Natuklasan nila na gumagawa ng tunog ang mga bituin habang umiikot ang mga ito.
Tulad ng ginagawang tunog ng mga balyena, nakakagawa rin ng malakas at paulit-ulit na tunog ang mga bituin na maaaring hindi naririnig ng mga tao. Gayon pa man, kung pagsasama-samahin ang mga tunog mula sa balyena, bituin o ng iba pang mga nilalang, maaring makagawa ito ng isang musikang nagpapahayag sa kadakilaan ng Dios.
Ganito naman ang nakasulat sa Salmo 19:1-4, “Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng Kanyang kamay. Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa Kanyang kapangyarihan. Kahit na walang salita o tinig kang maririnig, ang kanilang mensahe ay napapakinggan pa rin sa buong daigdig.”
Sa Bagong Tipan naman, ipinahayag ni Apostol Pablo na, “sa pamamagitan [ni Jesus] at para sa Kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa mundo, ang nakikita pati rin ang di-nakikita” (COLOSAS 1:16). Bilang tugon, magsi-awit tayong lahat na Kanyang mga nilikha. Papurihan natin ang Manlilikha dahil sa Kanyang kadakilaan at dahil Siya lamang ang tanging “makakasukat ng langit sa pamamagitan ng pagdangkal nito” (ISAIAS 40:12).