Ayon sa US Census Bureau, halos 11-12 beses kung magpalipat-lipat ng lugar ang mga Amerikano sa buong buhay nila. Sa mga nagdaang taon, 28 milyong Amerikano na ang nag-impake at lumipat sa bagong bahay.
Nagpalipat-lipat din naman ang mga Israelita noon sa 40 taong pamamalagi nila sa liblib na lugar. Pinangunahan ng Dios ang paglalakbay ng mga Israelita patungo sa lupang ipinangako ng Dios sa pamamagitan ng mga ulap. Nagpalipat-lipat sila ng lugar ayon sa kagustuhan ng Dios. Sa tuwing lilipat sila, hindi lang gamit nila ang kanilang dala kundi maging ang tabernakulo at ang mga kagamitan nito (TINGNAN ANG EXODUS 25:22).
Makalipas ang maraming taon, binigyang kahulugan ni Jesus ang kuwento tungkol sa paglalakbay ng mga Israelita. Sa halip na pangunahan ni Jesus ang mga tao sa pamamagitan muli ng mga ulap, nagkatawang-tao Siya at pumarito sa mundo. Nang sabihin ni Jesus, “Sumunod kayo sa Akin” (MATEO 4:19), ipinapakita Niya na nagsisimula sa ating puso ang pinakamahalagang pagbabago sa ating buhay. Pinangunahan ni Jesus ang Kanyang mga kaibigan at maging mga kaaway patungo sa krus ng kalbaryo. Ipinamalas ni Jesus kung gaano kalaki ang kayang isakripisyo ng Dios para iligtas tayo sa kaparusahan sa kasalanan.
Katulad din ng paglipat natin ng lugar, wala ring katiyakan ang pagbabago ng ating puso. Pero darating ang araw na pangunguhan tayo ni Jesus patungo sa tahanan ng ating Dios Ama sa langit.