Pinakamagandang Regalo
Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko mula sa kaibigan kong si Barbara ay ang Biblia. Sinabi niya sa akin, “Mas lalo kang mapapalapit sa Dios kung maglalaan ka ng oras sa Kanya sa bawat araw sa pamamagitan ng pagbabasa ng Biblia, pananalangin, pagtitiwala at pagsunod sa Kanya.” Nagbago ang aking buhay simula nang hikayatin ako ni Barbara na mas kilalanin…
Manlilikha at Tagapangalaga
Ang Swiss na si Philippe ay gumagawa ng mga relo. Ipinaliwanag niya sa akin kung paano niya masusing hinihiwalay, nililinis at muling pinagsasama-sama ang maliliit na bahagi nito. Ipinakita niya rin sa akin ang pinakamahalagang bahagi ng isang relo, ito ay ang tinatawag na mainspring. Sinabi ni Philippe na kung wala ito, hindi gagana ang kahit na anong relo.
Tinatalakay naman…
Magsilbing Ilaw
Namulat ang aming mga isipan nang pumunta kami sa isang mahirap na lugar sa bansang Kenya noong 2015. Kasama ko noon ang mga kapwa ko sumasampalataya kay Jesus. Bumisita kami sa isang eskuwelahan kung saan madumi ang sahig at kalawangin ang dingding na yari sa metal. Sa kabila ng ganoong paligid, nangibabaw ang gurong si Brilliant.
Bagay na bagay kay Brilliant…
Pinalilibutan ng Dios
Sa isang paliparan, makikita ang isang nanay na buntis at kasama ang kanyang anak na nagwawala. Nagsisisigaw ang bata, sipa ng sipa at ayaw sumakay ng eroplano. Dahil sa pagwawala ng bata at sa hirap ng kanyang kalagayan sa pagiging buntis, naiyak na lamang siya.
Habang nasa sahig at umiiyak, pinalibutan sila ng mga anim o pitong kababaihan na hindi…
Pag-alala sa Aking Ama
Madalas na nasa labas ng bahay ang tatay ko noon at laging may ginagawa tulad ng pagmamartilyo at pagtatanim ng halaman. Kung wala naman siya sa labas, makikita siya sa kanyang kuwarto na puno ng kanyang mga gamit at abala sa iba’t ibang gawain. Kaya kapag inaalala ko ang aking ama, iyon ang naiisip ko sa kanya. Lagi siyang abala sa…