May biglang tumapik sa balikat ko habang nasa pila ako pasakay ng eroplano. Paglingon ko, masaya niya akong binati, “Elisa! Kumusta? Ako ito, si Joan! Naaalala mo?” Napaisip ako bigla. Inaalala ko kung sino siya. Dati bang kapitbahay o dating katrabaho? Hindi ko talaga siya makilala.
Nahalata niya na hindi ko siya maalala. Kaya naman, sinabi niya, “Nagkakilala tayo noong high school, sa cheering ng football.” Sa sinabi niyang iyon, naalala ko ang buong pangyayari at naalala ko rin si Joan.
Ganito rin naman ang nangyari kay Maria na taga-Magdala. Maagang pumunta si Maria kung saan inilibing si Jesus. Nang dumating siya doon, nakita niyang bukas na ang libingan at wala na ang katawan ni Jesus (JUAN 20:1-2). Kaya naman, tumakbo siya upang sunduin sina Pedro at Juan at ipaalam ang nangyari. Bumalik siyang kasama sila at nakita nga nilang walang laman ang libingan (TAL. 3-10). Naiwan naman sa labas ng libingan si Maria na umiiyak (TAL. 11). Nakita niya si Jesus na nakatayo, “pero hindi niya nakilala na si Jesus iyon” (TAL. 14), dahil sa pag-aakalang si Jesus ang hardinero roon (TAL. 15).
Paano nangyaring hindi niya nakilala si Jesus? Malaki ba ang nabago sa anyo ni Jesus? O dahil sa labis na pag-iyak kaya hindi niya nakilala si Jesus? O baka katulad ko siya na iniisip na dapat kasi nasa loob si Jesus ng libingan at wala sa hardin kaya hindi niya nakilala si Jesus.