May isang naisulat na balita sa dyaryo tungkol sa isang grupo ng mga bilanggo. Dumalo ang mga bilanggong ito sa isang pagtitipon na nakatuon sa pagpapatibay ng relasyon ng pamilya. Pagkatapos nito, binigyan sila ng pambihirang pagkakataon na mabisita ng kanilang mga pamilya. Marami sa kanila ang napakatagal nang hindi nabibisita at ang iba nama’y nakakausap lamang ang mga ito pero hindi nila mahawakan dahil may nakaharang na salamin. Sa pagkakataong iyon, maaari na nilang hawakan ang kanilang mga mahal sa buhay. Naging espesyal ang mga tagpong iyon para sa kanila. Mas naging malapit sila sa kanilang pamilya at naging daan para maghilom ang kanilang mga sugat.
Para sa karamihan ng mga mambabasa, isa lamang itong istorya. Pero para sa mga pamilyang ito, malaking pangyayari ito na nagpabago sa kanilang mga buhay. Nagkapatawaran sila at muling nagkasundo
Ipinapaalala sa atin ng balitang iyon ang pagpapatawad ng Dios at ang inaalok Niyang pakikipagkasundo sa atin. Naging posible ito dahil sa ginawang pagsasakripisyo ng Kanyang Anak na si Jesus. Napakagandang balita nito para sa buong mundo, maging para sa akin at para sa'yo!
Tunay na para sa atin mismo ang balitang iyon na maaari nating alalahanin sa tuwing naiisip natin na hindi tayo karapat-dapat sa awa ng Dios dahil sa ating mga kasalanan. Namatay si Jesus para sa atin at nilinis tayo para makalapit tayo sa Dios (SALMO 51:7). Mapanghahawakan natin ang 'di nagmamaliw na pag-ibig at habag ng Dios (TAL. 1).