Ilang taon na ang nakakalipas, iminungkahi ng presidente ng isang eskuwelahan na samahan siya ng mga estudyante na patayin muna ang kanilang cellphone sa loob ng isang gabi. Kahit na sumang-ayon ang mga estudyante, mabigat sa loob nila na gawin iyon. Noong nasa loob na sila ng chapel, mas naituon nila ang kanilang atensyon sa pag-aawitan at pananalangin. Pagkatapos noon, sinabi ng isa sa mga estudyante, “napakagandang pagkakataon na sandaling manahimik at makatakas mula sa kung anu-anong ingay.”
Minsan, mahirap takasan ang mga itinuturing na ingay na bumubulabog sa ating buhay. Mahalaga na magbigay tayo ng panahon para sa sandaling pananahimik. Sa gayon, maiintindihan natin ang paalala ng manunulat ng Salmo kung gaano kahalaga na tumigil muna upang kilalanin ang Dios (SALMO 46:10).
Sa 1 Hari 19, nangusap ang Dios kay Elias sa pamamagitan ng isang bulong sa halip na sa pamamagitan ng malakas na hangin, lindol o apoy (TAL. 9-13).
Karaniwan na ang maging maingay ang mga pagdiriwang kung saan nagsasama-sama ang magkakapamilya at magkakaibigan. Nariyan ang masayang usapan, kainan, tawanan at pagpapalitan ng mga matatamis na salita sa isa’t isa. Pero higit na kaytamis ng pananahimik at pakikipag-ugnayan sa Dios. Tulad ni Elias, mas maririnig natin ang Dios sa panahon ng katahimikan.