Tumira noon ang mga kaibigan ko sa Moldova na isa sa pinakamahirap na bansa sa Europa. Habang nandoon sila, malugod silang tinanggap ng mga tagaroon lalo na ng mga kapwa nila sumasampalataya kay Jesus. Minsan, kinuha nila ang mga relief goods mula sa isang magasawa na mananampalataya rin. Mahirap lang ang mag-asawa pero marami silang mga bata na kinukupkop. Bagamat hindi sang-ayon ang magasawa sa ginawa ng mga kaibigan ko, napakaganda pa rin ng natanggap nilang pagtrato mula sa mag-asawa. Itinuring sila na mga mahahalagang bisita sa lugar na iyon.
Ang malugod na pagtanggap na ipinakita ng magasawang iyon ang nais ng Dios na ipakita ng mga Israelita. Iniutos ng Dios sa kanila na, “igalang [nila] Siya, mamuhay ayon sa Kanyang pamamaraan, mahalin Siya, maglingkod sa Kanya nang buong puso't kaluluwa” (DEUTERONOMIO 10:12). Masusunod ito ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagmamahal sa mga dayuhan dahil mga dayuhan din sila noon sa Egipto (TAL. 19). Naipapakita rin nila ang kanilang pagtitiwala sa Dios sa pamamagitan ng pagmamahal sa mga dayuhan.
Maaaring iba ang kalagayan natin sa mga taga-Moldova at sa mga Israelita. Gayon pa man, maipapakita rin natin ang ating pagmamahal sa Dios sa pamamagitan ng malugod na pagtanggap sa ating kapwa.
Maipapadama natin ang pag-ibig ng Dios sa mundong ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng ating mga tahanan o sa simpleng pagngiti at pagbati sa mga mga tao.