Noong 2013, nagkaroon ng breast cancer si Kim. Nang matapos ang kanyang gamutan, nalaman naman niya na may kanser siya sa baga at 3-5 taon na lang daw ang itatagal niya. Lubos niya itong dinamdam noong unang taon. Nagdalamhati siya at laging umiiyak sa Dios. Pero noong makilala ko si Kim, malaki na ang ipinagbago niya. Isinuko niya na sa Dios ang kanyang kalagayan at makikitaan siya ng kapayapaan at kagalakan. May mga araw man na lubos siyang nahihirapan, nakapagpapalakas pa rin siya ng loob ng iba sa tulong ng Dios. Puno pa rin siya ng pag-asa at pagpupuri sa Dios.
Nakakaranas din tayo ng mahihirap na sitwasyon pero magagawa ng Dios na palitan ang ating kalungkutan ng kagalakan. Makakatiyak tayo sa pamamaraan ng Dios kahit na minsa’y hindi ito ayon sa inaasahan o kagustuhan natin (SALMO 30:1-3).
Gaano man katindi ng ating mga pagdurusa, napakarami pa ring dahilan para purihin ang Dios (TAL. 4). Magagalak tayo sa Dios dahil maaasahan natin Siya (TAL. 5-7) at sa pag-asang ibinigay Niya sa mga naghihinagpis. Maaari tayong tumawag sa Kanya para tayo’y kahabagan (TAL. 8-10). Tanging ang Dios ang magbibigay sa atin ng kagalakang hindi nakadepende sa ano mang mga pangyayari (TAL. 11-12).
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob sa atin ng Dios, binibigyan Niya tayo ng kapayapaan at ng kakayahang palakasin din ang loob ng iba at ng ating sarili. Papalitan ng ating mapagmahal at tapat na Dios ng pagsamba, pagtitiwala at pagpupuri ang ating kalungkutan.