Si Malcolm Alexander ay nakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Hindi siya naipagtanggol ng kanyang abogado at kahina-hinala ang mga imbestigasyong ginawa laban sa kanya. Noong Enero 30, 2018, sa wakas ay nakalaya na siya dahil napatunayang wala talaga siyang kasalanan. Sa kabila ng halos 4 na dekadang pagkakakulong, sinabi niya na hindi siya dapat magalit at sayang ang oras para gugulin sa galit.
Nagpakita ng lubos na kagandahang-loob si Malcolm. Natural lamang na magalit tayo kung ang 38 taon ng buhay natin ay nasayang sa loob ng kulungan kahit inosente tayo. Pero kahit nangyari iyon kay Malcolm, hindi siya nagpadaig sa kasamaan. Sa halip na ibuhos ang kanyang lakas sa paghihiganti, naisapamuhay niya ang sinasabi ni Apostol Pedro na dapat nating gawin, “Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama, at huwag din ninyong gantihan ng pang-iinsulto ang mga nang-iinsulto sa inyo” (1 PEDRO 3:9).
Sinabi pa ni Pedro na ipanalangin ang taong nagkasala sa atin sa halip na maghiganti (TAL. 9). Nawa’y matutunan nating patawarin ang mga taong gumawa sa atin ng masama at hangarin ang ikabubuti nila. Hindi naman natin babalewalain ang ginawa nilang masama pero maaari pa rin natin silang pakitaan ng kaawaan na mula sa Dios.
Tayo rin naman ay pinatawad at pinakitaan ng kagandahang-loob sa pamamagitan ng kamatayan ng Panginoong Jesu-Cristo sa krus. At dahil doon, maipapakita rin natin ito sa mga nakagawa sa atin ng mali.