Noong 2018 Winter Olympics, isang kamanghamanghang pangyayari ang nasaksihan ng mga tao. Ang kampeon ng snowboarding na si Ester Ledecka na taga Czech Republic ay nanalo sa skiing. Nasungkit niya ang gintong medalya sa skiing gayong hindi ganoon kaganda ang kanyang record sa larong ito. Tila imposible siyang manalo.
Labis na nagulat ang mga tao nang maipanalo niya ito ng .01 segundo. Inaasahan kasi nila na isa sa mga nangunguna sa larong skiing ang mananalo sa laban.
Ganito ang kalakaran sa ating mundo. Inaasahan natin na ang mga nananalo ang patuloy na mananalo samantalang patuloy namang matatalo ang mga talunan. Ikinagulat din ng mga tagasunod ni Jesus nang marinig nila ang sinabi Niya na napakahirap para sa isang mayaman ang mapabilang sa kaharian ng Dios (MATEO 19:23). Iba ang pananaw ni Jesus kumpara sa kalakaran ng mundo. Paanong ang pagiging mayaman na panalo sa paningin ng mundo ay magiging hadlang sa pagpasok sa kaharian ng Dios? Kung nagtitiwala tayo sa sarili nating kakayahan at sa ating mga pag-aari tulad ng mayaman, imposible para sa atin na magtiwala sa Dios.
Ang kaharian ng Dios ay taliwas sa kalakaran ng mundo. Sinabi ni Jesus na maraming dakila ang magiging hamak at marami namang mga hamak ang magiging dakila (TAL. 30). Alalahanin natin na anuman ang ating katayuan sa buhay, lahat ng tinatamasa natin ay dahil lamang sa kagandahangloob ng Dios. Ipinagkaloob Niya ang mga ito kahit hindi tayo karapat-dapat na tumanggap ng kahit ano man