Sa edad na 54, sumali ako sa isang paligsahan sa pagtakbo. Dalawa ang hinangad kong mangyari sa paligsahang iyon, ang matapos ang karera at gawin ito nang hindi hihigit sa 5 oras. Maganda sana ang magiging oras ko pero naka-kapagod ang karera at ang inaasahan kong panunumbalik ng aking lakas ay hindi nangyari.
Hindi lamang tayo nangangailangan ng panunumbalik ng lakas pagdating sa paligsahan sa takbuhan, kailangan din natin ito sa karera ng buhay. Para makapagpatuloy kahit na tayo ay pagod, kailangan natin ang tulong ng Dios. Mababasa natin sa Isaias 40 ang tula at propesiya na makakapagbigay sa mga tao ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay.
Ipinapaalala sa mga napapapagod at nanghihina ang katotohanan na hindi tayo binabalewala ng Dios (TAL. 27). Nakapagbibigay din ito sa atin ng katiyakan at nagpapaalala sa atin ng walang hanggang kapangyarihan at hindi maarok na karunungan ng Dios (TAL. 28).
Ang panunumbalik ng lakas na tinutukoy sa Isaias 40:29- 31 ay tamang-tama para sa atin. Anuman ang pinagdaraanan nating pagsubok, problemang pinansiyal man o problema sa kalusugan, muli tayong palalakasin ng Dios. Ito ang lakas na mararanasan ng mga naghihintay sa Dios sa pamamagitan ng pagbubulay ng Kanyang Salita at ng pananalangin.