Si Brian ay isang palaboy at lulong sa bisyo. Minsan, pumunta siya sa lugar na tinatawag na The Midnight Mission para humingi ng tulong. Iyon ang simula ng paggaling ni Brian.
Habang nagpapagaling, muling nanumbalik ang pagkahilig ni Brian sa musika. Sumali siya sa Street Symphony na isang grupo ng mga musikero na may malasakit para sa mga walang mga tirahan. Pinakanta nila si Brian ng isang awit na pinamagatang The People That Walked in Darkness. Hango ito sa isinulat ni Propeta Isaias noong namumuhay sa kadiliman ang Israel, “Nabubuhay sa kadiliman ang mga tao roon, ngunit makakakita sila ng matinding liwanag. Kahit nasa kadiliman sila at natatakot mamatay, maliliwanagan sila” (ISAIAS 9:2). Sinabi ng isang kritiko ng musika para sa magasin na The New Yorker, “Para bang mula talaga sa buhay ni Brian ang kinanta niya.”
Ang isinulat na iyon ni Isaias ay binanggit din ni Mateo sa kanyang isinulat na aklat sa Biblia (MATEO 4:16). Tinawag ni Jesus si Mateo upang maging alagad Niya kahit isa siyang maniningil ng buwis na nandaraya ng mga kapwa niya Israelita. Ayon kay Mateo, tinupad ni Jesus ang propesiyang inihayag ni Isaias sa pamamagitan ng pagliligtas din ni Jesus sa mga hindi Israelita. (TAL. 13-15).
Sino ang maniniwala na ang isang maniningil ng buwis (MATEO 9:9), isang lulong sa bawal na gamot na tulad ni Brian, tulad natin ang magkakaroon ng pagkakataon na maipakita ang pagkakaiba ng liwanag at kadiliman sa ating buhay?