Isang umaga, habang pinagmamasdan ko ang labas ng aming bahay mula sa aming bintana, napansin ko ang isang agila. Nakadapo ito sa mataas na sanga ng puno at sinisiyasat ang buong lugar na para bang pag-aari niya ito. Mukhang nagbabantay ito ng kanyang kakainin.
Sa 2 Cronica 16, ipinaalam ng propetang si Hanani kay Haring Asa na may nagbabantay sa kanyang kilos. Sinabi ni Hanani kay Asa, “Dahil nagtiwala ka sa hari ng Aram at hindi sa Panginoon na iyong Dios, hindi n'yo malilipol ang mga sundalo ng hari ng Aram” (TAL. 7). Ipinaliwanag ni Hanani, “Sapagkat nakatingin ang Panginoon sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa Kanya” (TAL. 9). Dahil mali ang pinagtiwalaan ni Asa, laging may makikipagdigma sa kanya.
Maaaring maisip natin na binabantayan ng Dios ang bawat kilos natin para lipulin tayo tulad ng paglipol ng agila sa kanyang biktima para kainin. Pero, iba ang nais iparating ni Hanani sa mga sinabi niya. Nais niyang iparating na patuloy tayong binabantayan ng Dios at hinihintay Niya tayo na humingi ng tulong sa Kanya kapag nangangailangan tayo.
Tulad ng agila sa aming bakuran, nakatingin ang Panginoon sa buong mundo hanggang ngayon. Makita Niya kaya tayong tapat sa Kanya? Paano Niya kayo tayo tutulungan at bibigyan ng pag-asa?