Minsan, napansin ko ang isang napakagandang larawan na nakasabit sa pasilyo ng ospital. Lubos akong namangha sa mga kulay na ginamit sa pagpinta ng larawang iyon. Itinuro ko sa aking asawa ang larawan at ibinulong sa kanya, “Ang ganda!”
Maraming bagay ang maituturing na maganda tulad ng mga ipinintang larawan, mga tanawin, at mga likhang sining. Maganda rin ang ngiti ng isang bata, ang pagbati ng isang kaibigan at ang asul na itlog ng ibong Robin. Para mapagaan ang mga kabigatan natin sa buhay, "Ginawa [ng Dios] ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyon" (MANG. 3:11). Pasulyap pa lamang ang mga ito sa darating na perpektong paghahari at likha ng Dios.
Hindi pa natin ito lubusang matatanaw kaya binigyan muna tayo ng Dios ng pasulyap sa pamamagitan ng magagandang bagay dito sa mundo. Inilagay din ng Dios ang walang hanggan sa puso ng tao (TAL. 11). Nagbibigay din Siya ng mga magagandang pangyayari na maaari nating namnamin. Sinabi ni Gerard Curtis Delano na nagpinta ng larawan na hinangaan ko, "Binigyan ako ng Dios ng kakayahang magpinta ng magagandang obra at iyon ang nais Niya na gawin ko."
Nawa’y pasalamatan natin ang Dios habang nasisiyahan tayo ngayon sa mga magaganda Niyang nilikha at sa darating na walang hanggang paghahari Niya.