Noong Agosto, 2017, hinagupit ng bagyong Harvey ang Gulf Coast ng Amerika na kumitil ng maraming buhay at nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian. Marami ang nagbigay ng pagkain, tubig, damit at matutuluyan sa mga nasalanta ng bagyo.
Si Dean Kramer naman na may-ari ng isang tindahan ng piano ay nakaisip ng ibang paraan para makatulong sa kanila. Alam niya na malaki ang magagawa ng musika sa mga nawalan ng mahal sa buhay at mga pag-aari. Kaya naman, nangalap si Dean at ang kanyang mga tauhan ng mga second-hand na piano at saka nila ito inayos. Pagkalipas ng ilang buwan, bumiyahe si Dean at ang asawa niya papunta sa malayong lugar ng Texas sakay ng isang truck na puno ng piano. Pinamigay nila ito sa mga lubos na naapektuhan ng bagyo.
Minsan, iniisip natin na ang salitang ‘neighbor’ na ‘kapitbahay’ sa wikang Filipino ay tumutukoy lang sa mga nakatira malapit sa atin o sa mga kakilala lang natin. Pero ayon sa Lucas 10, nagkuwento si Jesus tungkol sa isang mabuting Samaritano na nagtuturo sa atin na magmahal sa ating kapwa, sino man sila. Tinulungan ng taga-Samaria ang lalaking sugatan na hindi naman niya kakilala at kahit isa itong Judio na kaalitan ng kanilang lahi (TAL. 25-37).
Nang tanungin si Dean kung bakit siya nagpamigay ng mga piano, simple lang ang sagot niya, “Sinabi sa atin na mahalin ang ating kapwa.” At si Jesus ang nagsabi, “Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito” (MARK 12:31); ang mahalin ang Dios at ang ating kapwa.