Malinaw na Paningin
Noong 18 taong gulang ako, lumabo ang aking paningin. Ayaw ko sanang magsuot ng salamin, pero sinabi ng tatay ko na mas maganda raw pagmasdan ang mga puno at ang berde nitong mga dahon kung hindi malabo. Sinunod ko si tatay. Kaya naman, nakikita ko na nang malinaw ang magandang paligid.
May pagkakataon din naman na sa aking pagbabasa ng Biblia…
Hinahangad sa Buhay
Minsan, bumisita kami ng aking mga anak sa isang lugar kung saan inaalagaan at maaaring pakainin ang mga maliliit na pating. Tinanong ko ang tagapangalaga doon kung may nakagat na bang daliri ang mga pating kapag pinakain ng mga taong bumibisita. Sinabi naman ng tagapangalaga na busog ang mga pating kaya hindi sila mangangagat.
May aral akong natutunan tungkol sa pag-aalaga…
May Plano ang Dios
Mahirap tanggapin kapag nalaman nating hindi puwedeng gawin ang isang bagay o hindi pa panahon para gawin ito lalo na kapag alam nating may ipinapagawa sa atin ang Dios. May dalawang pagkakataon na nakahanda na akong maglingkod para sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus. Pero hindi ito natuloy. Pagkatapos nito, nagkaroon muli ng bagong pagkakataon at doon ako napili. Sa…
Alisin ang Tali
Isang organisasyon ng mga nagtitiwala kay Jesus ang may layunin na itaguyod ang kahalagahan ng pagpapatawad. May ipinapagawa sila sa taong nagkasala at sa taong nagawan ng kasalanan. Itinatali nila nang magkatalikod ang dalawang taong ito gamit ang lubid. Ang puwede lang magtanggal ng tali ay ang taong nagawan ng kasalanan. Hindi siya makakaalis hangga’t hindi niya pinapatawad o tinatanggal ang…
Parangal para sa Iyo
Nalungkot ako sa pagpanaw ng isang babaeng matapat na naglilingkod sa Panginoon. Simple lamang ang kanyang naging buhay at hindi rin siya gaanong kilala sa aming lugar. Pero lubos ang pagmamahal niya kay Jesus at sa kanyang pamilya. Masiyahin din siya at mapagbigay.
May sinabi naman sa Mangangaral 7:2 ng Biblia, “Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan.” Sinabi…