Minsan, habang umaakyat kami ng mga anak ko sa isang bundok, may napansin kaming liwanag. Nagmumula ito sa mga halaman na nasa tabing daan. Ayon sa karatula na nandoon, isang uri ito ng lumot na tinatawag na lichen. Ang lichen ay mga organismong tulad ng fungus at alga na nagsama-sama para mabuhay. Alinman sa mga organismong iyon ay hindi makakayang mabuhay nang mag-isa. Pero kung magkasama sila, makakabuo sila ng isang halaman na kayang mabuhay nang hanggang 4,500 taon kahit tagtuyot o taglamig.
Naipaalala sa akin ng fungus at alga ang relasyon ng mga tao. Tulad nila, kailangan din natin ang isa’t isa para mabuhay.
Ipinaalala naman ni Apostol Pablo sa mga nagtitiwala kay Jesus na nasa Colosas kung paano tayo mamumuhay nang may maayos na relasyon sa ating kapwa. Sinabi ni Pablo na, “dapat [tayong] maging mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis” (COLOSAS 3:12). Dapat rin tayong maging mapagpatawad sa isa’t isa at mamuhay nang mapayapa bilang mga bahagi ng katawan ni Cristo (TAL. 15).
Hindi laging madaling mamuhay nang mapayapa kasama ang ating pamilya o kaibigan. Gayon pa man, kung hihingi tayo ng tulong sa Banal na Espiritu na maipakita natin sa iba ang kababaang-loob at pagpapatawad, maihahayag natin ang pagmamahal ni Cristo sa isa’t isa (JUAN 13:35). Mapapapurihan din natin ang Dios sa maayos nating relasyon sa iba.