Noong 15 taong gulang si Aaron, nananalangin siya kay Satanas. Nagsimula siyang matutong magsinungaling, magnakaw at manipulahin ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Binabangungot din siya noon. Sinabi ni Aaron, “Paggising ko isang umaga, nakita ko si Satanas at sinabi sa akin na papasa ako sa aking exam sa eskuwelahan at pagkatapos, mamamatay ako.” Hindi naman siya namatay kaya napag-isip-isip niya, “Malinaw na sa akin na sinungaling si Satanas.”
Minsan, dumalo si Aaron sa isang gawain ng mga sumasampalataya kay Jesus. May isang lalaki roon na nanalangin para sa kanya. Sinabi ni Aaron, “Habang nananalangin siya, nakaramdam ako ng kapayapaan na para bang dumaloy ito sa buong katawan ko.” Naramdaman niya na mas malakas ito kaysa sa naramdaman niya noon kay Satanas at para bang lumaya siya. Sinabi sa kanya ng lalaki na may plano ang Dios. Sinabi rin nito na sinungaling si Satanas. Mababasa ito sa Juan 8:44, “Siya’y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan.”
Hindi na muling nanalangin si Aaron kay Satanas. Sumampalataya na siya kay Jesus at kabilang na siya sa pamilya ng Dios (TAL. 47). Ipinapahayag niya na ngayon ang mga pagbabagong nangyayari sa mga sumasampalataya kay Jesus. Nagsisilbing patunay ng kapangyarihan ng pagliligtas ng Dios ang nangyari sa kanya. Sinabi niya, “Masasabi kong iniligtas talaga ako ng Dios.”
Sa Dios nagmumula ang lahat ng kabutihan, kabanalan, at katotohanan. Maaari tayong lumapit sa Kanya upang masumpungan ang katotohanan.