Ilan taon akong nagkukubli sa takot. Ito ang naging hadlang para masubukan ko ang mga hindi ko pa nagagawa at ang pumigil para matupad ko ang mga pangarap ko sa buhay. Nakaapekto rin sa aking relasyon sa Dios at sa ibang tao ang takot kong mawalan at masaktan. Naging balisa ako at bumaba ang tingin sa aking sarili. Naging selosa ako at masyadong mahigpit sa aking anak. Pero habang natututunan ko ang katotohanang lubos akong minamahal ng Dios, binabago Niya ang paraan ko ng pakikitungo sa Kanya at sa ibang tao. Dahil alam kong nagmamalasakit sa akin ang Dios, mas panatag na ako at natutunan kong unahin ang kapakanan ng iba.
Ang Dios ay pag-ibig (1 JUAN 4:7-8). Ipinakita Niya ang Kanyang lubos na pagmamahal nang mamatay si Jesus sa krus (TAL. 9-10). Dahil mahal tayo ng Dios at nananahan Siya sa atin, magagawa nating mahalin ang iba na ayon sa kung sino ang Dios at kung ano ang ginawa Niya para sa atin (TAL. 11-12).
Kung sasampalataya tayo kay Jesus bilang ating Panginoon at Tagapagligtas, ipagkakaloob Niya sa atin ang Banal na Espiritu (TAL. 13-15) na siyang tutulong sa atin na mas makilala ang Dios at manangan sa Kanyang pag-ibig. Tutulungan Niya din tayo na matularan si Jesus (TAL. 16-17). Dahil alam natin at nagtitiwala tayo na lubos tayong minamahal ng Dios, unti-unting nawawala ang ating mga takot (TAL. 18-19).
Habang nararanasan natin ang pagmamahal ng Dios, nawawala ang ating takot sa pakikitungo sa Kanya at sa ibang tao.