Ang pastor at manunulat na si Eugene Peterson ay nagkaroon ng pagkakataong makinig sa pagtuturo ng tanyag at respetadong doktor at tagapagpayo na si Paul Tournier. Nabasa ni Peterson ang mga isinulat ng doktor at humahanga rin siya sa paraan ng panggagamot nito. Maganda ang naging impluwensiya ni Tournier kay Peterson. Sa kanyang pakikinig kay Tournier, naniniwala siya na ipinamumuhay nito ang lahat ng kanyang sinasabi. Ayon kay Peterson, magkatugma ang sinasabi at ipinamumuhay ng doktor.
Tulad ni Tournier, dapat din nating ipamuhay ang ating mga sinasabi. Sa Biblia, binigyang-diin ni Apostol Juan na ang sinumang “nagsasabing siya’y nasa liwanag ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay nasa kadiliman pa rin” (1 JUAN 2:9). Ibig sabihin nito ay hindi tugma ang ating mga sinasabi sa ating mga ginagawa. Idinagdag din ni Juan na ang mga taong ito ay “hindi alam ang kanyang patutunguhan” (TAL. 11). Sinabi niya na bulag ang mga taong hindi tugma at parehas ang sinasabi sa kanilang ipinapamuhay.
Ang mamuhay ayon sa nais ng Dios ang maglalayo sa atin mula sa pagkabulag ng ating buhay espirituwal.
Ang liwanag nawa na nagmumula sa Salita ng Dios ang siyang gumabay sa atin sa pagsasapamuhay ng ating ipinapahayag. Sa gayon, malalaman ng ating kapwa na tayo ay sumasampalataya sa Dios sa tuwing isinasabuhay natin ang nais Niya.