“My precious!” Ito ang katagang sinasabi ni Gollum mula sa pelikulang Lord of the Rings. Mayroon siyang masamang hangarin sa kapangyarihang taglay ng isang singsing. Sumikat ang kanyang karakter na sumasalamin sa pagiging sakim ng tao.
May pagkakatulad din tayo kay Gollum. Mayroon din tayong taglay na kasakiman sa ating mga puso. Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nakukuha ang gusto natin. At kapag nakamit na natin ito, hindi pa rin tayo nakokontento at naghahangad tayo ng mas higit pa. Akala natin na ito ang magbibigay sa atin ng kasiyahan. Pero hindi ito totoo. Mas nakakadama tayo ng kalungkutan at kakulangan dahil sa sobrang paghahangad.
May mas magandang paraan para mabuhay nang may tunay na kaligayahan. Sinabi ni David sa Salmo 16, na kung makakadama tayo ng kakulangan sa ating buhay, makakaasa tayo na ang Dios ang ating kasapatan. Kailangan natin Siya sa ating buhay. Alalahanin natin na mula sa Dios ang lahat ng tinatamasa natin (TAL. 1-2,4).
Mararanasan natin ang kagandahan at kabutihan ng Dios kapag huminto tayo sa labis na paghahangad sa mga bagay na ninanais natin (TAL. 8). Makakasumpong tayo ng totoong kasapatan sa Dios. Sa piling Niya’y matatagpuan ang ligayang walang hanggan (TAL. 11).