Habang nakadestino ako sa Germany bilang sundalo, bumili ako ng bagong 1969 Volkswagen Beetle. Napakaganda ng kotseng iyon. Pero sa pagtagal ng panahon, may mga pagbabagong nangyari sa aking sasakyan. Nasira ang pinto nito dahil sa isang aksidente. Naisip ko na dapat ipaayos at baguhin na ang sasakyan ko. Pero dahil malaking halaga ang kailangan sa pagpapagawa nito, hindi ito nangyari.

Ang Panginoon naman natin ay hindi sumusuko para baguhin tayong mga makasalanan. Binabanggit sa Salmo 85 ang uri ng mga tao na nangangailangan ng pagbabago at pagsasaayos mula sa Dios. Ang tinutukoy dito ay ang mga Israelita noong nakabalik sila sa kanilang bayan mula sa pagkabihag. Nabihag sila noon bilang parusa sa kanilang pagsuway sa Dios. Sa Salmong ito, inalala ng mga Israelita ang kabutihan ng Dios at ang Kanyang pagpapatawad (TAL. 1-3). Nagkaroon sila ng lakas ng loob na tumawag at lumapit sa Dios para humingi ng tulong (TAL. 4-7) at umaasang makatatanggap sila ng mabubuting bagay mula sa Dios at hindi Niya sila bibiguin(TAL. 8-13).

Tayo rin naman ay nakakaranas ng mga suliranin na nagpapahirap sa ating buhay. At minsan, tayo mismo ang nagdulot nito sa ating mga sarili tulad ng naidulot sa mga Israelita ng kanilang pagsuway sa Dios. Inaanyayahan tayo ng mahabaging Dios na lumapit sa Kanya nang may kapakumbabaan para muli tayong mabago at maayos. Bukas ang Kanyang palad sa sinumang lalapit sa Kanya. Palagi nating maaasahan ang Dios.