Noong una ay maliit na sapa lamang ang nasa likod ng aming bahay. May tulay dito na gawa sa kahoy upang makatawid kami. Pagkalipas ng ilang buwan, naging malawak na ilog na ito dahil sa walang tigil na pagulan. Lumawak ito dahil sa rumaragasang tubig na dumaloy dito. Nasira at inanod din ng tubig ang tulay na aming tinatawiran.
Maaaring makasira ng mga bagay tulad ng tulay ang daloy ng rumaragasang tubig. Pero may isang bagay na kahit kailan ay hindi masisira. Ito ay ang pag-ibig. “Kahit laksa-laksang tubig, hindi ito mapipigilan” (AWIT NG MGA AWIT 8:7). Makikita natin ang matinding pag-ibig sa mga taong nagmamahalan. Pero ang lubos na pag-ibig ay ipinadama sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus.
Sa mga panahon na nagiba ang mga itinuturing nating sandigan o may mga pagsubok tayong pinagdaraanan, mas mauunawaan natin ang pagmamahal sa atin ng Dios. Walang makakapantay sa Kanyang pag-ibig sa atin. Ano man ang mga problema na ating haharapin, maaasahan natin na lagi natin Siyang kasama.
Tutulungan Niya tayo at ipapaalala Niya sa atin na tayo’y mahal Niya.