Taong 2009 nang suspendihin ng ng Los Angeles sa Amerika ang pagpapataw ng multa sa pagkakabilanggo ng mga residente nila. Bago lumabas ang bagong batas, dapat munang bayaran ng mga tao ang mga hindi nila nabayarang multa. Pero noong 2018, kinansela na ng namumuno ang lahat ng multa at utang ng kanilang mga mamamayan.
Malaking tulong sa mga apektadong pamilya ang ginawang pagkakansela ng mga utang nila. Mas mailalaan nila ang pera nila sa mga mas importanteng mga gastusin. Ganito rin naman ang iniutos ng Dios sa Kanyang bayan, na kanselahin ang mga utang tuwing ika-pitong taon (DEUTERONOMIO 15:2). Ayaw Niyang pasanin ng mga tao habambuhay ang mga pagkakautang na ito.
Pinagbabawalan ang mga Isarelita na magpataw ng interes sa mga nangugutang nilang kababayan (EXODUS 22:25). Nagpapautang sila hindi para tumubo mula rito. Ginagawa nila ito para tulungan ang mga kababayan nila. Ayon sa utos ng Dios, kakanselahin ang mga utang tuwing ika-pitong taon. Dahil dito, hindi na masyadong maghihirap ang mga tao (DEUTERONOMIO 15:4).
Wala ng mga ganitong batas ngayon. Gayon pa man, tinuturuan tayo ng Dios na patawarin ang mga pagkakautang at pagkukulang ng kapwa natin. Gawin natin ito bilang pagtulong sa kanila. Mas makikilala rin nila ang Dios dahil sa awa at kabutihan na ipinapamalas natin sa kanila.